Duterte No.1 sa Metro Manila survey

Rody Duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte         Image courtesy of Digong Duterte Facebook Page 

Nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling presidential survey na ginawa ng Pulse Asia sa Metro Manila.

Ang survey ay ginawa noong Nobyembre 11 at 12 sa Metro Manila kung saan mayroon itong 300 na mga respondent.

Sa naturang survey ay nakakuha si Duterte ng 34% na siyang pinakamataas.

Sumunod dito ay si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 26% habang pumangatlo naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 22%.

Pang-apat sa survey si Liberal Party presidential bet Mar Roxas na nakakuha ng 11% habang nasa panglimang pwesto si Sen. Miriam Santiago na may 7%.

Kasabay nang naturang survey ang para naman sa mga tumatakbong bise presidente kung saan nanguna si Sen. Chiz Escudero na may 32%.

Pumangalawa si Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 24%.

Pangatlo lamang sa survey si Sen. Alan Peter Cayetano na may 20% habang may 10% nakuha naman si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Ang runningmate naman ni Binay na si Sen. Gringo Honasan ay may walong porsyento samantalang nakakuha lamang ng apat na porsyento si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ang survey ay naganap sa panahong hindi pa kinukumpirma ni Duterte na siya ay tatakbo bilang Pangulo sa 2016 election.

Ang alkalde ay naghain lamang ng kanyang certificate of candidacy noong nakaraang Biyernes.

Ngayong araw naman ay pormal na ipinroklama si Duterte ng Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang kanilang pambato sa darating na halalan.-DCR

Advertisements