Duterte inabuso umano dati ng pari sa Ateneo

Du30

Davao City Mayor Rodrigo Duterte        Image from GMA News Online Twitter

Biktima umano si Davao City Mayor Rodrigo Duterte nang pang-aabusong sekswal ng isang pari sa Ateneo noong kanyang kabataan.

Ito ang ibinunyag ng alkalde sa mga mamamahayag sa gitna ng kritisismong kanyang tinatanggap ngayon matapos ang pagmura sa Santo Papa.

“I would trace them to my younger years in the Ateneo. It will destroy the church and the present status of so many priests and what they are doing,” pahayag pa ng alkalde.

Si Duterte ay nagtapos ng high school sa Holy Cross Academy sa Digos City, Davao del Sur subalit nag-aral muna ito sa Ateneo de Davao University.

“Kami sa Ateneo noon and I will tell you the abuses committed against the minors at that time including me and I will tell you my story. Kaming lahat dumaan kami.” 

“Look, kayong mga pari, kayong mga bishop, you condemn me and
you suggest that I will withdraw and I will withdraw but then I will start to open my mouth,” banta pa ng alkalde.

Ang pang-aabuso ng mga pari ay hindi na bagong usapin.

Nitong nakaraang linggo lamang ay inilabas ng Rappler ang kauna-unahang naidokumentong pang-aabuso ng isang Heswitang pari sa isang biktima noong kanyang kabataan.

Ang mga Heswita ang nagpapatakbo sa lahat ng Ateneo school sa buong kapuluan.

Ayon sa istoryang inilabas ng Rappler, ang biktima ay nasa 46 taong gulang na sa kasalukuyan.

Naganap ang pang-aabuso sa biktima ng isang paring Heswita noong siya ay menor de edad pa lamang o higit kumulang 30 taon na ang nakakaraan.

Bukod sa rebelasyong siya ay inabuso ng isang pari, una nang binatikos kahapon ni Duterte ang mga paring Katoliko.

Aniya, kailangan na ng Simbahang Katoliko na magpatupad ng mga reporma.

“The Roman Catholic Church must reform to prevent it from being extinct.”

Binira din ni Duterte ang mga paring Katoliko na numero unong kritiko ng reproductive health law sa bansa.

“I would like to challenge them. The Philippines needs to reduce its population because our resource have decreased,”  pahayag pa ng alkalde.

Sinabi pa ni Duterte na kung sa tingin ng marami partikular ng Simbahan na kanyang na-offend si Pope Francis dahil sa pagmumura niya kahapon, magpasabi lamang umano ang Vatican na umatras siya bilang kandidato sa pagka-Pangulo at kanya itong gagawin.-DCR

 

Advertisements