MATAPOS MAGMURA: Duterte binira ng mga obispo

CBCP Duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte (left) CBCP Pres. Arcbishop Soc Villegas and Papal Nuncio  Arch. Guiseppe Pinto        Original images from cbcpprolife.com and duterteparasapagbabago2016.com

 

Binatikos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil sa kaliwa’t kanang pagmumura nito kahapon kasabay ng kanyang talumpati sa proklamasyon ng Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Partikular na hindi nagustuhan ng mga obispo ang pagmumura ni Duterte sa Santo Papa. 

Nakapagbitaw ng hindi magandang salita ang alkalde matapos alalahanin ang matinding hirap na kanyang naranasan makaraang maipit sa trapiko noong nagdaang Papal visit. 

“Gusto kong tawagan, ‘Pope putang ina ka, umuwi ka na. ‘Wag ka nang magbisita dito,”  pahayag kahapon ni Duterte.

Sa kanyang pahayag na pinamagatang Mayor Duterte? ay sinabi ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na maraming uri ang korupsyon kabila na umano rito ang pagpatay ng tao at pambababae. 

“The usual face of corruption that we recognize easily is stealing from public funds. Corruption, like a monster, is a devil with many faces. Killing people is corruption. Killing is a crime and a sin whether it is done by criminals or public officials no matter what the intention. Adultery is corruption.” 

Aniya, kung ang isang taong iginagalang tulad ni Pope Francis ay inalimura ng isang tumatakbo sa pagka-Pangulo at tinawanan pa ng mga nanonood, wala na umano siyang magagawa kundi ang yumuko at mahiya para sa mga ito.

“When we find vulgarity funny, we have really become beastly and barbaric as a people. When a revered and loved and admired man like Pope Francis is cursed by a political candidate and the audience laugh, I can only bow my head and grieve in great shame. My countrymen has gone to the dregs,”  pahayag pa ng arsobispo.

Para naman kay Balangan Bataan Bishop Ruperto Santos, pagiging iresponsable at kabastusan ang ginawang pagbibitiw ni Duterte ng salita kahapon patungkol kay Pope Francis.

“Hindi maganda ang kanyang sinabi, irresponsible and disrespectful. Minsan lamang sa isang dekada o maraming taon na darating ang mahal na Santo Papa at nakita natin ang ipinakitang sakripisyo at pagpapasakit ng mga tao tapos pipintasan niya, pupulaan niya at minura pa. Kahit sa paaralan ay itinuturo ang paggalang sa nakatatanda, sa mga lider at higit sa lahat ang paggalang sa mga magulang na tulad ni Pope Francis ay itinuturing na tatay ng mga Katoliko,” pahayag ni Santos. 

Tila may bahid naman umano ng pagiging diktador si Duterte dahil sa inasal nito ayon kay Cotabato Bishop Jose Colin Bagaforo.

Aniya, siguradong ayaw ng lahat na maulit ng mga Pilipino ang sinapit ng bansa noong panahon ng martial law kung saan nalabag ang karapatang pantao.

“The man believe so much on himself, he doesn’t trust anymore the bureaucracy of a democratic government. Self-glorification, he thinks he is the only man who can solve many of the problems ng ating bansa. This guy is not a team worker, he has a shade of being a dictator. I’m sure we don’t like the repeat of the bad things that happened during martial law, the human rights violations, no respect for the right of the people”.

Sa kabila nito sinabi naman ni Duterte na hindi niya intensyong batikusin ang Santo Papa. Aniya, kung sa tingin ng Vatican ay na-offend niya si Pope Francis, sabihan lamang siya nitong mag-withdraw bilang presidential candidate at gagawin niya ito.-DCR

 

 

Advertisements