Pemberton guilty sa pagpaslang kay Jennifer Laude

Pemberton

(Left) US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton (Right) Victim Jennifer Laude

Guilty!

Ito ang naging hatol ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa kasong homicide na isinampa rito dahil sa pagpaslang sa transgender na  si Jeffrey “Jennifer” Laude.

Hinatulan ng korte si Pemberton na makulong ng anim hanggang 12 taon. 

Iniuutos din ng korte na maipiit si Pemberton sa New Bilibid Prison habang pinag-uusapan ang lugar kung saan mapipiit ang dating US marine.

 
Sa desisyon ni Judge Roline Jinez Jabalde, mapupunta sa kustodiya ni Pemberton sa lugar na mapapagkasunduan ng US at Pilipinas sa ilalim ng mga umiiral na patakarang nakapaloob sa Visiting Forces Agreement (VFA).
 
Pinagbabayad din ng korte si Pemberton ng P50,000 sa pamilya Laude para sa moral damages dahil sa kasong homicide at P30,000 para sa exemplary damages.
Bukod dito ay inuutusan din ng hukuman si Pemberton na magbayad sa pamilya Laude ng P4.3 milyon para sa pagkawala ng earning capacity dahil sa pagkakapatay nito sa kanyang biktima at P155,250 para naman sa burial expenses. 
 
Noong Oktubre 11, 2014 ay napatay ni Pemberton si Laude sa loob ng Celzone Lodge isang motel sa Olongapo City matapos ang pakikipagtalik dito. 
 
Base sa fact of the case nagsimula ang pagpapambuno nina Pemberton at Laude nang malaman ng Amerikanong sundalo na hindi totoong babae ang kanyang nakuha para makipagtalik. 
 
Base sa pagsusuri ng mga awtoridad na isinumite sa korte, namatay si Laude dahil sa asphyxia bunga ng pagkalunod.-DCR
 
 
 
 
Advertisements