Mar Roxas hindi graduate ng Wharton School- Duterte

Roxas Duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte and LP bet Mar Roxas       Image courtesy of UNTV News 

Lalo pang umiinit ang palitan ng salita sa pagitan nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party (LP) presidential bet Mar Roxas.

Ito ay matapos sabihin ni Duterte na kwestyunable ang sinasabi ni Roxas na ito ay nagtapos sa Wharton School ng University of Pennsylvania. 

“You did not graduate from the Wharton School of Economics, Mr. Roxas.” 

“Your name is not on the list of those who graduated from a four or five-year degree courses, ask Wharton,” pahayag pa ni Duterte. 

Ang pahayag ng alkalde ay nag-ugat matapos sabihin ni Roxas na isang kathang isip lamang ang mga balita tungkol sa maayos na peace and order situation sa Davao City. 

“He said that the peace and order in Davao city is a myth. I’d like to ask the presidentiable, you claim that you have graduated from the Wharton School of Economics, that is a myth,” pahayag pa ni Duterte. 

Ang mabibigat na paratang na ito ay pinakawalan ni Duterte sa kanyang programang Gikan Sa Masa na napapanood sa Mindanao.

Hinamon din ni Duterte si Roxas na magsagawa ng isang survey sa mga pulis Camp Crame tungkol sa peace and order sa Davao City.

Kung mapapatunayan umano ni Roxas na mali si Duterte ay babawiin nito ang kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa 2016.

Sa pagsasaliksik naman ng The Manila Journo ay natagpuan nito ang University of Pennsylvania University Archives and Records Center. 

Mar Roxas

Screenshot from www.archives.upeen.edu

Dito ay nakumpirma ng news blog na ito na si Roxas ay nagtapos sa nasabing pamantasan ng Bachelor of Science in Economics noong 1979 sa Wharton School.-DCR

 

 

Advertisements