PNoy pinakamahusay na pangulo ng Pilipinas- Mar Roxas

Mar Roxas and PNoy

Philippine President Benigno Aquino III during his endorsement for Liberal Party presidential bet Mar Roxas       Image courtesy of Noynoy Aquino Facebook Page

Si Pangulong Benigno Aquino III ang pinakamahusay na naging Pangulo ng Pilipinas sa kasaysayan.

Ito ang sinabi ni Liberal Party (LP) presidential bet Mar Roxas sa isang pagtitipon na kanyang dinaluhan na inorganisa ng CNN Philippines.

Sa Town Hall forum ng CNN Philippines tinanong si Roxas kung sino sa kanyang palagay ang pinamahusay na presidente ng bansa bukod sa kanyang lolo na si dating pangulong Manuel Roxas. 

“I would say Noynoy Aquino, undoubtedly,” walang gatol na pahayag ng pambato ng LP.

“Undoubtedly, ang tawag sa ‘tin ay sick man of Asia, para tayong lumpo, may sakit, hindi tayo nakakasabay sa ating mga kapitbahay na bansa. Ngayon, tawag sa ‘ti, Asia’s bright star. Malayo nang narating natin. Nagsimula lahat ito sa Daang Matuwid mula nung 2010. It’s amazing what we can attain as a people, maglagay ng daang malinis at matuwid na pamunuan.” pahayag pa ni Roxas.

Sinabi pa ni Roxas na sa ilalim ng pamumuno ni PNoy ay narating ng bansa ang mga bagay na hindi nito nakamit sa nagdaang ilang taon.

 “Narating ng bansa natin ang antas sa ekonomya, sa pamumuhay, sa investments in infrastructure, ‘tsaka sa services na generations na hindi pa natin nararating.”

Si Roxas ang runningmate ni PNoy nang tumakbo itong Pangulo noong 2010.

Matapos matalo sa halalan, kinuha ni PNoy si Roxas sa kanyang gabinete bilang kalihim ng Department of Transportation and Communication bago italagang kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Bukod sa administrasyong Aquino ay nanilbihan din si Roxas bilang miyembro ng gabinete sa ilalim nina dating pangulong Joseph Estrada at dating pangulong Glora Macapagal-Arroyo.-DCR

Advertisements