Disqualification case laban kay Duterte hindi ibinasura ng COMELEC

Duterte

Davao City Mayor and PDP-Laban presidential bet Rodrigo Duterte       Image from Rody Duterte Facebook 

Hindi ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) First Division ang disqualification case na isinampa laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ito ay kahit nagpakita na ng kawalan ng interes ang petitioner na si Davao based broadcaster Ruben Castor makaraang hindi ito sumipot sa pagdinig ngayong araw.

Tinangka nina Atty. Vitaliano Aguirre, abogado ni Duterte at ni Atty. Ted Contacto, na hilingin sa COMELEC na ibasura na lamang ang kaso matapos hindi sumipot ang petitioner.

Sa kabila nito ay nagpasya ang First Division na gawing submitted for resolution na ang kaso. 

Ang kasong inihain ni Castor ay naglalayon na ipadiskwalipika si Duterte bilang substitute candidate ni Martin Diño na una nang naghain ng certificate of candidacy bilang pambato ng PDP-Laban.

Dahil dito ay inaasahan na maglalabas ng kanilang desisyon ang First Division sa susunod na linggo.

Inaasahan naman na magpapatuloy ngayong araw ang deliberasyon ng COMELEC en banc para sa disqualification case ni Duterte.

Ngayong araw din inaasahan na ilalabas ng COMELEC ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2016 elections.-DCR

Advertisements