Duterte nanindigang hindi Wharton graduate si Roxas

roxas duterte

Davao City Mayor Rodrigo Duterte with LP bet Mar Roxas                          Image courtesy of Rody Duterte Facebook 

Nanindigan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi nagtapos sa Wharton School sa Estados Unidos si Liberal Party presidential candidate Mar Roxas.

Sa pakikipag-usap sa midya ngayong araw ni Duterte inulit nito ang paggiit na mali ang sinasabi ni Roxas na siya ay Wharton graduate.

“A Wharton graduate is a person who finishes his masters degree at Wharton, meaning you are a graduate of MBA at Wharton. In your case, Mar, you are not, so don’t claim to be a man you cannot be…because you are not. UPenn graduate ka, and not Wharton!” 

“Mar graduated at the University of Pennsylvania – that’s correct – but he is never a graduate of Wharton as what he claims to be,” paglilinaw pa ni Duterte. 

Nag-ugat ang pagkwestyon ni Duterte sa educational background ni Roxas matapos kwestyunin ng LP bet na isang kathang isip lamang ang lumalabas sa mga ulat tungkol sa maayos na kalagayan ng peace and order sa Davao City.

Dito na sumagot si Duterte at kinwestyon ang credentials ni Roxas.

Kasabay nito ay hinamon naman ni Roxas si Duterte na sampalin siya nito kung hindi totoo ang kanyang Wharton degree.

Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas o iilag. Pero kung totoo ang Wharton degree ko, sasampalin kita. O ayan. Ang bilis mong magsalita na hindi mo alam eh,”  pahayag ni Roxas.

Sa mga lumabas na pagsasaliksik ay nabatid na nagtapos si Roxas sa Wharton School of Economics na nasa ilalim ng University of Pennsylvania noong Mayo 1, 1979 para sa degree na Bachelor of Science in Economics major in Finance.

Si Roxas ay nag-aral sa naturang pamantasan mula Setyembre 1, 1976 hanggang  May0 1, 1979.-DCR

Advertisements