Pangalan ni Duterte nasa official list of candidates na- COMELEC

digong

Opisyal nang tinanggap ng Commission on Elections (COMELEC) ang certificate of candidacy at substitution ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kandidato ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa pagka-Pangulo. 

Sa botong 6-1 ng COMELEC en banc ay pinayagan ng komisyon ang substitution ni Duterte.

Sa pahayag ngayong araw ni COMELEC Chairman Andres Bautista ay inihayag din nito na kasama na ang pangalan ni Duterte sa opisyal na listahan ng mga kandidato para sa pagka-pangulo sa darating na May 09, 2016 National and Local Elections.

Ayon sa COMELEC, maayos na nasunod ng PDP-Laban ang mga kinakailangan hakbang para sa substitution ni Duterte mula sa unang naghain ng certificate of candidavy na si Martin Diño.-DCR

 

Advertisements