Opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-vice president inilabas na

VPs

Image courtesy of Pinoy Thaiyo

Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal at pinal na listahan ng mga kandidato para sa pagka- pangalawang pangulo sa darating na May 2016 National and Local Elections. 

Sa naturang listahan ay pasok ang pangalan ng anim na kandidato.

Kabilang sa mga opisyal na kandidato para sa pagka vice president ay sina Sen. Bongbong Marcos, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen. Francis Escudero, Sen. Gringo Honasan, Sen. Antonio Trillanes IV at Rep. Leni Robredo.

Ayon kay COMELEC Chairman Andres Bautista, pinal na ang naturang listahan maliban na lamang kung mayroon sa naturang mga kandidatong nabanggit ang aatras sa halalan.

Sa ngayon ay tanging listahan pa lamang para sa vice presidential race ang inilalabas ng COMELEC.(Demetrio Ragua)DCR

Advertisements