Poe at Binay tabla sa pinakahuling SWS survey

poe binay

Vice President Jejomar Binay and Senator Grace Poe         Image courtesy of politics.com.ph

Tabla sina Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe sa pinakahuling presidential survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS). 

Sa SWS survey na ginawa mula mula Disyembre 12-14 ay kapwa nakakuha sina Poe at Binay ng 26%.

Pumangatlo naman sa survey si Liberal Party presidential bet Mar Roxas na nakakuha 22% habang nasa pang-apat na pwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 20%.

Nasa panglimang pwesto naman si Sen. Miriam Defensor Santiago na nakakuha ng 4%.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglabas ng survey ang SWS matapos ang paghahain ng certificate of candidacy ng mga kandidato. 

Noong Setyembre lumabas sa huling SWS survey na nangunguna si Poe na nakakuha ng Poe 26%.

Sinundan siya ni Binay noon na may 24% habang nakakuha ng 20% si Roxas. Si Duterte na noon ay hindi pa tuluyang nagpapahayag ng intensyong maging pangulo ay nakakuha ng 11%.

Bago ang pinakahuling SWS survey ay una nang naglabas ng kanilang resulta ang Pulse Asia.

Sa survey na ginawa ng Pulse Asia noong Disyembre 4-11 lumalabas na nangunguna na muli si Binay.

Nakakuha siya rito ng 33% habang statistically tied o tabla sa ikalawang pwesto sina Duterte at Poe na nakakuha ng 23% at 21% ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nasa pang-apat na pwesto pa rin si Roxas sa naturang survey na nakakuha ng 17% habang may 4% si Santiago.-DCR

Advertisements