Traslacion 2016 route and schedule

Narito ang kumpletong detalye ng ruta at schedule ng mga aktibidad kaugnay ng Traslacion 2016.

Sa darating na Sabado, Enero 9 ay inaasahan ang pagdagsa ng milyun-milyong deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno upang dumalo sa taunang Traslacion.

May tema ang pagdiriwang ngayong taon na “Banal na Eukaristiya, Buhay ng mga Sumasampalataya sa Poong Hesus Nazareno sa Taon ng Awa.”

Kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng mga aktibidad ay ang Basilika Minore ng Quiapo at ang Quirino Grandstand.

Enero 7 pa lamang ay inaasahan na ang dagsa ng tao sa Quiapo dahil sa prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno.

Sa Enero 8 naman ng umaga ay sisimulan na ang Pahalik sa imahen ng Poon sa Quirino Grandstand.

Gaganapin naman ang banal na misa na pangungunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ganap na 12:00 ng hatinggabi ng Sabado Enero 9 bago simulan ang prusisyon sa ganap na 6:00 ng umaga.

Kabilang sa mga daraanang kalye ng Traslacion ay ang Jones bridge at Dasmariñas St. 

12.PNG

14

 

Advertisements