#Traslacion2016| Pasok sa January 9 suspendido na

NPJN1

The Manila Journo file photo of annual Traslacion 

Suspendido na ang pasok sa lahat ng  antas ng paaralan sa Lungsod ng Maynila sa darating na Sabado Enero 9. 

Ang kautusan ay inilabas ng lokal na pamahalaan kasabay nang pagdaraos sa Sabado ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Sakop ng kautusan ang lahat ng pampubliko at pribadong mga unibersidad at kolehiyo sa buong Maynila.

Inaasahan na milyun-milyong deboto ang dadagsa sa Quiapo Church, Luneta Grandstand at sa mga rutang daraanan ng prusisyon sa oras na umarangkada na ang Traslascion kaya minabuti ng city hall na suspendihin na ang pasok sa eskwela.

Sa pahayag naman ni Metro Manila Development Authority Chairman Emerson Carlos, mananatili pa rin sa dati nitong ruta ang prusisyon kung saan kasama sa mga daraanan ay ang bahagi ng Jones bridge bago kumanan sa Dasmariñas St.

Bukod sa MMDA at lokal na pamahalaan ng Maynila ay kasama rin sa mga tutulong sa pagsasaayos ng Traslacion ang Philippine National Police na magpapakalat ng libu-libong pwersa upang magbigay seguridad.-DCR

Advertisements