Approval at trust ratings ni Binay lalo pang tumaas

Binay

Vice President Jejomar Binay (Photo courtesy of Binay Facebook Page)

Lalo pang tumataas ang trust at approval ratings ni Vice President Jejomar Binay ayon sa pinakahuling Pulse Asia survey.

Base sa survey na ginawa noong Disyembre 4-11, nakakuha si Binay ng positive 52% para sa kanyang approval rating habang positive 49% ang kanyang nakuha sa trust rating.

Lumalabas na tumaas ng 9% ang approval rating ni Binay mula sa huling Pulse Asia survey noong Setyembre habang umangat naman ng 10% ang kanyang trust rating.

Lumalabas din na malaki ang itinaas ng approval rating ni Binay sa mga maralita. 

Sa class E ay nakakuha siya ng positive 66% kung saan mas mataas itong ng 20 puntos mula noong Setyembre. 

Sa class D ay nakakuha siya ng positive 49% na mas mataas ng limang puntos kumpara sa huling survey.

Hati naman ang class ABC kung saan nakakuha si Binay ng positive 30% habang aabot sa 27% ang undecided at nasa 43% ang hindi pabor kay Binay.

Kapag susuriin ang survey batay sa mga lugar sa bansa ay lumabas na pinakamataas ang nakuha ni Binay sa Visayas na nagtala ng 49%.

Sinundan ito ng Luzon at Mindanao. Sa Kamaynilaan naman ay nakakuha ang bise presidente ng positive 46%.-DCR

Advertisements