MGA ENFORCER HINDI NA NAKA-DIAPER: Higit 1K tauhan itatalaga ng MMDA para sa Traslacion 2016

MMDa 3.jpg

Former MMDA Chairman Francis Tolentino (in yellow with watch) visits the Traslacion route last year with present MMDA Chairman Emerson Carlos (blue shirt)    Image courtesy of MMDA 

Aabot sa mahigit 1,000 tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang itatalaga nito para tumulong sa maayos na pagdaraos ng taunang Traslacion ng Itim na Nazareno sa Sabado.

Sinabi ni MMDA Chairman Emerson Carlon na nasa 1,680 ng kanyang mga tauhan ang tutulong sa pagsasaayos ng Traslacion.

Kabilang na sa nasabing bilang ang mga itatalagang traffic enforcer na tutulong sa pag-aayos sa daloy ng trapiko.

Magtatalaga rin ng mga tagawalis, tagalinis, road clearing at mga rescue personnel ang MMDA sa panahon ng Traslacion.

Hindi tulad ng dati, nagdesisyon ang pamunuan ng MMDA na huwag nang pagamitin ng adult diaper ang mga traffic enforcer nito ngayong taon.

MMDA 2

File photo from MMDA

Noong nakaraang taon kasi matatandaan na namahagi ang MMDA sa kanilang mga traffic enforcer ng adult diaper na kanilang isusuot sa panahon ng Traslacion. Layon nito na malayang maka-ihi ang mga enforcer kahit na hindi sila umaalis sa kanilang mga pwesto.

Sa pagtaya ng mga awtoridad posibleng pumalo sa higit 10 milyon ang mga deboto ng Itim na Nazareno na makikibahagi sa taunang okasyon.

Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa mga deboto na iwasang sumama sa prusisyon kung nakainom, buntis, kung may bitbit na bata o kung may iniindang karamdaman tulad ng sakit sa puso at alta presyon.-DCR

Advertisements