Prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno aarangkada ngayong araw

NPJN

The image of Black Nazarene during the thansgiving procession last December 31  (Image courtesy of Raymond Gappi)

Idaraos ngayong araw ang prusisyon para sa mga replica ng Itim na Nazareno.

Mamayang 2:00 ng hapon sisimulan ang parada ng mga replica. 

Inihiwalay ang prusisyon ng mga replica upang hindi makadagdag sa sikip sa lansangan sa mismong araw ng Traslacion sa Sabado, Enero 9. 

Tinatayang higit kumulang sa 200-300 mga replica ng Nazareno ang sasama sa prusisyon ngayong araw.

Ang lahat ng ito ay babasbasan ng mga pari sa Quiapo Church sa pangunguna ng rector nito na si Msgr. Hernando Coronel.

Dahil sa prusisyon ng mga replica mamayang hapon ay asahan na rin ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa paligid ng Quiapo.

Magsisimula ang prusisyon ng mga replica mamaya sa Plaza Miranda, papasok ng Villabos.

Mula rito ay kakaliwa sa Quezon Blvd, kanan sa Recto Ave. kanan sa Loyola St., kanan sa Bilibid Viejo daan ng Puyat St bago kumaliwa sa Guzman St. kanan sa Hidalgo St. kaliwa sa Barbosa St. kanan sa Globo de Oro St. kanan sa Palanca St. kanan sa Villalobos St. hanggang makarating sa Plaza Miranda at harapan ng simbahan ng Quiapo.-DCR

Advertisements