PAALAM KUYA GERMS: German Moreno pumanaw na

german-moreno

German ‘Kuya Germs’Moreno  (Image courtesy of GMA Network)

 

Pumanaw na ang kinikilalang ‘Master Showman’ sa industriya ng  pelikulang Pilipino.

Namaalam na kaninang 3:20 ng madaling araw si German Moreno o mas kilala bilang Kuya Germs.

Sa edad na 82 ay namahinga si Kuya Germs dahil sa cardiac arrest sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Itinakbo sa naturang pagamutan noong Enero 7 si Kuya Germs matapos atakihin sa puso.

Matatandaan na noong Enero 2015 ay dumanas si Moreno ng stroke at na-ospital ito.

Sa kabila nito ay muling nakabalik sa kanyang mga programa si Moreno noong Hunyo 2015.

Noong 2013 ay ipinagdiwang pa ng lahat ang ika-50 taon ni Moreno sa industriya ng showbiz.

Si Moreno ang nagtatag ng “That’s Entertainment” na pinagmulan ng mga pinakakilalang aktor at aktres sa indusriya ng showbiz.

Kilala si Kuya Germs sa kanyang linyang ‘walang tulugan’. 

Ipinanganak si Moreno noong October 3, 1933.

Makulay ang naging simula ng karera ni Kuya Germs sa showbiz. 

Taong 1950’s nang magsimula siya bilang janitor at telonero sa Clover Theater.

Mula dito ay unti-unting umangat si Kuya Germs mula sa pagiging theater actor hanggang mapunta sa telebisyon at radyo.-DCR 

Advertisements