Roxas most incompetent Filipino to aspire for the presidency- Duterte

Duterte.PNG

Davao City Mayor Rodrigo Duterte 

Muling nakatikim nang pambabatikos si Liberal Party presidential bet Mar Roxas mula kay Davao City Mayor at presidential candidate Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin ni Duterte sa isang panayam na si Roxas ang “most incompetent Filipino” na naghangad para maging pangulo ng bansa.

Nag-ugat ang pahayag ng alkalde matapos nitong balikan ang naging aksyon ni Roxas matapos hagupitin ng bagyong Yolanda ang Leyte.

Matatandaan na si Roxas ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) nang humagupit ang bagyong Yolanda noong November 2o13.

Ayon kay Duterte, nagtungo siya sa Leyte dalawang araw matapos tumama ang bagyo dahil doon siya ipinanganak.

Naabutan umano niya si Roxas na nagsasalita ng kung anu-ano lamang habang nakakalat ang napakaraming bangkay sa paligid.

“We were smelling the stink here. He (Roxas) was there inside talking, talking nonsense. He was talking to (DSWD Sec.) Dinky, (Soliman) he was talking to the police, he was talking to the general. Nagdada-dialogue lang siya doon. Instead of going out he was there all the time,” kwento ni Duterte. 

Dahil dito napilitan umano si Duterte na kausapin si Roxas ng pribado. Dito umano niya sinabi sa noon ay kalihim ng DILG na mali ang deklarasyon nito ng state of calamity dahil sa tindi ng pinsalang inabot ng Leyte at sa dami ng namatay.

Ayon kay Duterte sinabi niya kay Roxas na dapat ay state of emergency na ang ideklara nito. Sinabihan niya rin umano ng alkalde si Roxas na huwag nang maghanap ng mga social worker sa lugar at ospital dahil lahat ng ito ay sinalanta rin ng bagyo.

“He could not have had an accurate reading of what was really happening because he was there inside.  He is the most incompetent Filipino ever to aspire for the presidency,” mariing pahayag pa ni Duterte. 

Makaraang humagupit ang bagyong Yolanda, isa si Duterte sa mga alkalde na agad nagtungo sa Leyte para magpadala ng tulong. 

Si Roxas naman kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno ay nasa Leyte na bago pa man tumama doon ang bagyo para magbigay ayuda.

Dahil sa pinakabagong pahayag na ito ni Duterte inaasahan ngayon na muli na namang titindi ang word war sa pagitan ng dalawang kandidato.-DCR

Advertisements