COMELEC inilabas na ang pangalan ng mga kandidatong kasama sa draft ballot

COMELEC

To see names of presidential bets included in draft ballot CLICK HERE

Inilabas na ngayong araw ng Commission on Elections ang pangalan ng mga kandidato sa pagka-pangulo na kasama sa draft ballot.

Umabot sa walong kandidato ang napasama sa draft ballot ng COMELEC.

Kabilang sa mga ito ay sina Vice Pres. Jejomar “Jojo” Binay, Sen. Miriam Defensor Santiago, Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte, Sen. Grace Poe, Liberal Party bet Manuel “Mar” Roxas II, Mel Mendoza, dating Ambassador Roy Señeres at Dante Valencia.

Sa walong pangalan tanging sina Valencia at Mendoza lamang ang hindi popular sa publiko.

Ang pangalan naman ni Poe ay kasama pa sa draft ballot dahil nakabinbin pa rin sa Supreme Court ang kasong disqualification laban dito.– DCR

 

Advertisements