“The truth will come out”- Marcelino

Marcelino 2

Lt. Col. Ferdinand Marcelino (Image screenshot from ANC video

“The truth will come out.”

Ito ang naging pahayag ni Lt. Col. Ferdinand Marcelino ngayong araw kasabay ng pagdadala sa kanya sa Department of Justice (DOJ) para isailalim sa inquest proceeding.

Si Marcelino kasama ang Chinese na si Yan Yi Shou alyas Randy ay nadakip kahapon ng madaling araw matapos maglunsad ng drug raid ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) sa Sta. Cruz, Maynila.

Sinampahan na ng PDEA si Marcelino ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa mga paunang pahayag ni Marcelino na dati ring opisyal ng PDEA, nangangalap siya ng intelligence information nang maabutan ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa cladestine shabu laboratory kahapon ng madaling araw.

Aniya, kailanman ay hindi niya magagawang traydurin ang sambayanan.

“This is what I get in loving our country and trying to eradicate illegal drugs. I will never betray the Filipino people,” pahayag pa ni Marcelino.

Lumalabas na maging ang mga operatiba ng PDEA kahapon na unang nakakita kay Marcelino ay nagulat nang siya ay maabutan sa lugar ng operasyon. 

Naniniwala naman si Marcelino na kailangan niyang pagdaan ang kasalukuyang sitwasyon para maibunyag ang mga katotohanang kanyang nalalaman.-DCR

Advertisements