Duterte at Poe tabla sa pinakahuling RMN survey

Duterte Poe

Presidential candidates Sen. Grace Poe and Davao City Mayor Rodrigo Duterte (Image from Abante)

Statistically tie, ganito maipapaliwanag ang resulta ng pinakahuling  RMN Nationwide Survey na ginawa nito lamang Enero 5-14.

Aabot sa 3,578 na mga rehistradong botanteng nakikinig sa AM radio ang pinili at kinapanayam ng personal para sa nasabing survey. 

Base sa lumabas na resulta para sa mga tumatakbong presidente, nakakuha si Sen. Grace Poe ng 28.59% na sinundan naman ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na mayroong 27.86%.

RMN Survey

Pumangatlo naman si Vice President Jejomar Binay na mayroong 21.49%. Pang-apat si Liberal Party bet Mar Roxas na may 15.12% habang panglima si Sen. Miriam Defensor Santiago na mayroong 5.14%.

Sa survey ay malaki ang nakuhang suporta ni Poe mula sa Region 4A o ang CALABARZON, Central at Southern Luzon habang malaking porsyento ng suporta naman ang nakuha ni Duterte mula sa Mindanao.-DCR

Advertisements