Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko, darating ngayong araw

Japanese emperor

Philippine President Benigno Aquino III talks with Japanese Emperor Akihito and Empress Michicko during his state visit in Japan (Image courtesy of Malacañang Photo Bureau)

Nakatakdang dumating ngayong araw dito sa Pilipinas sina Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko para sa kanilang limang araw na state visit.

Mamayang hapon inaasahan na lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Dahil dito ay pansamantalang isasara ang NAIA para sa mga commercial flight ganap na 2:30 -3:30 ng hapon mamaya.

Kabilang sa magiging sentrong paksa ng pagbisita dito ng dalawa ay ang ika-60 taong ugnayang pang diplomatiko sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Kabilang sa mga pupuntahang lugar nina Akihito at Michiko ay ang Caliraya at Los Baños, Laguna.

Bukas naman sila nakatakdang tanggapin ni PNoy sa Malacañang.

Si Akihito ay ika-125 emperador ng Japan. 

Ipinanganak siya noong Disyembre 33, 1933.

Siya ang panganay na anak na lalaki nina dating  Emperor Hirohito at Empress Nagako Kuni.

Naging emperador si Akihito noong Enero 7, 1989 makaraang pumanaw ang kanyang ama. Pormal siyang iniluklok sa trono noong Nobyembre 12, 1990. 

Michiko Shoda naman ang buong pangalan ng Japanese empress. Siya ang kauna-unahang “commoner” o hindi dugong bughaw na ikinasal sa isang Japanese royalty.

Ipinanganak siya noong Oktubre 20, 1934. Sila ay ikinasal ni Akihito noong Abril 10, 1959. 

Tatlo ang kanilang naging anak. Kabilang dito si Crown Prince Naruhito, na ipinangak noong 1960. Ito ay sinundan ni Prince Akishino na isinilang noong 1965 at ng bunsong si Princess Nori na ipinanganak noong 1969.

Dati nang nakapunta dito sa bansa sina Akihito at Michiko.

Noong Nobyembre 1962 ay dumating ang dalawa dito sa Maynila para sa limang araw ding state visit. Sila ay tinanggap noon ni dating Pangulong Diosdado Macapagal.-DCR

 

Advertisements