‘Hindi pwedeng iilan lang ang maginhawa’- Roxas

Roxas

Liberal Party presidential bet Mar Roxas (Photo courtesy of Mar Roxas Facebook Page)

“Hindi pwedeng iilan lang ang maginhawa.” 

Ito ang isa sa mga dahilan ni Liberal Party presidential candidate Mar Roxas kung bakit siya tumatakbo ngayong eleksyon.

Sa interview ng mamamahayag na si Mel Tiango para sa programa ng GMA-7 na “Wanted: President” sinabi ni Roxas na hindi sapat ang kanyang maginhawang buhay para talikuran ang tawag ng pagseserbisyo sa sambayan sa mas mataas na antas.

“While I have everything, my countrymen do not. Hindi naman pwede na iilan lang ang maginhawa at ang higit na nakararami ay talagang hirap na hirap,” pahayag nito. 

Sa naturang interview ay ibinigay din ni Roxas ang kanyang pananaw sa ilang maiinit na isyu.

Sa usapin ng pagpapanumbalik sa parusang kamatayan sinabi ng pambato ng administrasyon na tutol siya rito.

“Ang deterrence ay hindi doon sa parusa. Matimbang man, mabigat man ang parusa kung hindi ka naman mahuhuli, kung mababayaran mo naman yung prosecutor or makakalusot ka sa judge ay para kahit pa, kahit death, double death penalty, quadriple death penalty kung hindi ka naman mahuhuli, walang saysay ‘yan.” 

Para kay Roxas tutol din siya na magkaroon ng diborsyo sa bansa at gawing legal ang same-sex marriage. 

“Para sa akin ang pamilya ang sentro ng buhay ng bawat tao ,’di ba? So dapat gawin nating lahat na manatiling matatag ang pamilya, paniwala ko rin na ang katatagan ng ating bansa,” pahayag pa nito.-DCR

Advertisements