DQ cases laban kay Duterte ibinasura ng COMELEC 1st division

Duterte.jpg

PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte (Photo from Duterte Cayetano Facebook Page)

 

Ibinasura ng Commission on Elections (COMELEC) First Division ang apat na disqualification case laban sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. 

Unanimous decision ang ibinabang hatol ng 1st Division sa pangunguna ng chairman nito na si Commissioner Christian Robert Lim at mga miyembrong sina Commissioner Rowena Guanzon at Commissioner Luie Tito Guia.

Si Duterte na tumatakbong pangulo sa ilalim ng PDP-Laban ay sinampahan ng apat na magkakahiwalay na diskwalipikasyon.

Hiniling ng mga petitioner sa nasabing mga kaso na makansela ang certificate of candidacy ng alkalde.

Sa disqualification cases na kanilang isinampa pare-parehong kinwestyon nina  Ruben Castor, Rizalito David, University of the Philippines Student Council chair John Paulo Delas Nieves at Atty. Eli Pamatong ang substitution ni Duterte sa kandidatura ni Martin Diño.

Kawalan ng merito ng kaso ang dahilan kung bakit naibasura ang petisyon nina Pamatong at David habang kabiguan na makadalo sa preliminary conference ng kaso ang dahilan kung bakit naibasura ang petisyon nina Castor at Delas Nieves.

Sa kabila nito sinabi ni Lim sa isang press conference ngayong hapon na maaari pang maghain ng motion for reconsideration ang mga petitioner upang mapagdesisyunan ng en banc ang kaso.-DCR

Advertisements