Duterte sa pagbasura ng COMELEC sa DQ cases: You have decided it for the Filipino people

Digong.jpg

PDP-Laban presidential bet Rodrigo Duterte (Manila Journo file photo) 

“You have decided it for the Filipino people.” 

Ito ang mga katagang binitiwan ni PDP-Laban presidential bet at Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos malaman ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) 1st Division na nagbabasura sa lahat ng disqualification case na isinampa laban sa kanya.

Nagpasalamat ang alkalde dahil sa paborableng desisyon ng komisyon. Kasabay nito ay nangako si Duterte na mas pag-iibayuhin nya ngayon ang kampanya. 

Sinabi rin nito na dahil sa desisyon ay dadaluhan niya na ang lahat ng forum at debate na may kinalaman sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.

“I’d like to thank the Comelec for making the right decision. I think they have decided correctly. No matter what clerical error, it is stated that it (COC) is for the presidency. This time I will attend all the debates and forums everywhere. You have decided it for the Filipino people. I will campaign more extensively.” pahayag pa ni Duterte.

Sa inilabas na desisyon ng COMELEC 1st Division ay ibinasura nito ang apat na disqualification case laban kay Duterte dahil sa kawalan ng merito.

Unanimous decision ang ibinabang hatol ng 1st Division sa pangunguna ng chairman nito na si Commissioner Christian Robert Lim at mga miyembrong sina Commissioner Rowena Guanzon at Commissioner Luie Tito Guia.-DCR

Advertisements