Roy Señeres umatras na sa presidential race

seneres.jpg

OFW Party-list Rep. Roy Señeres (Image from Roy Señeres Facebook)

Iniatras na ni OFW party-list Rep. Roy Señeres ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo.

Ang pag-atras ay pormal na inianunsyo ng anak nitong si Hannah. 

Sa kabila nito sinabi ng Commission on Elections (COMELEC) na kailangang personal na magtungo si Señeres sa kanilang tanggapan para ihain ang statement of withdrawal nito.

Hindi nakapunta ang mambabatas sa COMELEC ngayon dahil sa iniindang sakit.

Ang pagkakaroon din ng karamdaman ang dahilan ni Señeres kung bakit umaatras na ito mula sa pagkandidato bilang pangulo. 

Inaalam naman ngayon sa COMELEC kung ano ang magiging susunod na hakbang nito lalo pa at nakatakda nang magsimula ang pag-imprenta ng mga balota sa Lunes, Pebrero 8. 

Dahil sa pangyayari bumaba na sa lima ang mga kandidatong naglalaban para sa pagka-pangulo.

 Ang mga ito ay sina Liberal Party bet Mar Roxas, Sen. Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Vice President Jejomar Binay at Sen. Miriam Defensor-Santiago.-DCR

Advertisements