Certified list of candidates inilabas na ng COMELEC, Duterte at Poe kasama

 

Inilabas na ngayong araw ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa gaganaping halalan sa Mayo.

Ang listahan ay binubuo ng mga pangalan ng mga opisyal na kandidato para sa pangulo, pangalawang pangulo, senador at mga party-list group.

Aabot sa anim kandidato para sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ang kasama sa listahan.

Nasa 50 ang kandidato sa pagka-senador habang 115 ang mga isinamang party-list group.

Kabilang sa mga pangalang kasama sa pinal na listahan ng mga opisyal na listahan ng mga kandidato sa pagka-pangulo ay sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe.

Si Duterte ay sinampahan ng apat na disqualification case  subalit ibinasuta din ito ng COMELEC First Division habang si Poe naman ay may nakabimbing kaso sa Korte Suprema tungkol sa kanyang residency at pagiging natural-born citizen.

final lists

Photo courtesy of ABSCBN News Twitter

Maging ang pangalan ng pumanaw na si Rep. Roy Señeres ay kasama rin sa pinal na listahan.

Kabilang pa sa mga pangalang kasama sa pagka-pangulo ay kina Vice President Jejomar Binay, dating Interior Sec. Mar Roxas at Sen. Miriam Defensor-Santiago. (Demetrio Ragua)DCR

 

 

Advertisements