PAMBANSANG MANGMANG: Pacquiao binira ng mga artista at akademiko dahil sa anti-LGBT comment

Manny

8 division world boxing champion and Saranggani Rep. Manny Pacquiao  (Photo from Manny Pacquiao Facebook)

“I have two word for him: pambansang mangmang!” 

Ito ang matapang na tugon ni Cultural Center of the Philippines Vice President and Artistic Director Chris Millado matapos ang pahayag ni senatorial candidate at Saranggani Rep. Manny Pacquiao laban sa lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) community.

Ang pahayag ni Millado ay ilan lamang sa mga batikos na tinatanggap ngayon ni Pacquiao matapos nitong sabihin na masahol pa sa hayop ang mga taong pumapatol sa kapwa babae at kapwa lalaki.

“Kasi para sa akin ito lang, common sense lang. Makakita ka ba ng any animals na lalaki sa lalaki o babae sa babae? Mas mabuti pa ‘yung hayop. Marunong kumikilala, kung lalaki o lalaki, babae, babae.  Ngayon kung lalaki sa lalaki, babae sa babae, mas masahol pa sa hayop ang tao,” eksaktong pahayag  ng mambabatas.

Dahil sa naturang komento ay hindi napigilan ng ilang personalidad mula sa artist at academic community na sumagot at batikusin si Pacquiao.

Para sa kilalang TV host na si Boy Abunda, lumampas na sa linya si Pacquiao matapos itong magbitiw na kanyang opinyon laban sa mga bakla at lesbyana. 

Aniya, hanggang sa huli ipaglalaban ng LGBT ang kanilang karapatan. 

“Kami sa LGBT community hindi rin kami titigil hanggang sa dulo ng buhay namin, hanggang kamatayan. Ipaglalaban namin ang aming karapatan to equality, dignity dahil ninakaw ito sa amin,” pahayag pa ni Abunda. 

“You might have done our country proud but with your statement, you just showed the whole country why we shouldn’t vote for you.” Ito naman ang galit na pahayag ng aktres at mang-aawit na si Aiza Seguera laban kay Pacquiao.

Para naman kay University of the Philippines Film Institute Founding Director Joel David, tama si Pacquiao sa pagsasabing ang kanyang mga komento ay batay sa Bibliya subalit tila nakalimutan yata nito na ang mga nakasulat dito ay ginawa para sa espisipikong lugar at panahon.

“The tragedy of Manny Pacquiao is a magnified version of the situation that confronts Filipinos who aspire for a better life and who manage to achieve it, usually by working overseas: Filipino culture (including the educational system) fails to prepare the citizens for a life of a privilege and leisure, and allows or even encourages them to fall back on pre-scientific belief system. Pacquiao is correct in saying that his statements appear in the bible. What he overlooks is the fact that those prescriptions were made for a specific palce and time, roughly the dessert culture of 3,000 years ago,” pahayag pa ni David. 

Para naman kay dating Akbayan party-list Rep. Walden Bello sana ay dumalo si Pacquiao sa mga sesyon sa Kamara partikular sa pagdinig ng kanyang komite kung saan sila magkasama para nabawasan umano ang dami ng kanyang trabaho. 

“Manny Pacquiao is a great boxer but his views on gender equality belong to the distant past. But aside from his views, can people really entertain voting for a person who holds the House of Representative’s highest record for non-attendance in the16th Congress? Manny is a nice guy, but I wish he had attended at least one session of the Committee on Overseas Workers’ Affairs of which he was Vice Chair and I was Chair. I really needed him to take on some of my heavy load but he was nowhere to be found,” pahayag pa ng dating mambabatas

Sinabi naman ng artistang si Nanding Josef na isang magaling na kampeon sa larangan ng boksing si Pacquiao ngunit hanggang doon lang ito.

“He has the lowest IQ for politics, for psychology, sociology. He has much lower EQ, thus he has remained egotistic, narcissistic, self-righteous. He has failed to evolve into the highest form of human being,” pahayag pa ni Josef.

Isang araw mapapagtanto din natin na ang mga bakla ay tao. Ito naman ang pahayag ni Ballet Philippines Artistic Director Paul Alexander.

Pahayag pa ni Alexander, tulad ng sinasabi ng mga aktibista sa Estados Unidos, ang mga bakla ang makabagong bersyon ng mga negro o maiitim na tao. Aniya, bilang minorya ay namumuhay ang mga kagaya nila sa isang mundo sa ngayon kung saan ang homophobia ay isang normal na katangian.

Sa kabila ng mga batikos na tinanggap ni Pacquiao ay humingi na ito ng paumanhin. 

Isang mensahe rin ang ipinost ni Pacquiao sa kanyang Facebook Page. Aniya, humihingi siya ng patawad sa mga nasaktan sa kanyang mga komento subalit naninindigan pa rin siya laban sa same sex marriage. -DCR

 

 

Advertisements