Labi ni Quirino inilipat na sa Libingan ng mga Bayani

PNoy

Reinterment of former PH President Elpidio Quirino in Libingan ng mga Bayani  (Photo courtesy of PIA-NCR)

Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III kasama ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP)  ang paglilipat sa mga labi ni dating Pangulong Elpidio Quirino mula sa Manila South Cemetery patungo sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ngayong araw.

Bukod sa Pangulo ay dumalo din sa aktibidad sina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada.

Ginawa ang paglilipat sa labi ng dating pangulo kasabay sa paggunita sa 60th death anniversary nito ngayong araw.

Si Quirino ang ikatlong pangulo ng bansa na inilibing sa Libingan ng mga Bayani.

Ginawaran si Quirino ng 21-gun salute ng Armed Forces of the Philippines habang ibinigay naman ng AFP sa apo nitong si Eduardo Quirino ang bandila ng Pilipinas na ipinatong sa ataul na ginamit sa paglilipat sa labi ng dating presidente.

Si Quirino ay nanungkulan sa bansa mula April 17, 1948 hanggang December 30, 1953 at namatay sa tahanan nito sa Novaliches, Quezon City noong 1956.-DCR

Advertisements