NPC inendorso na sina Poe at Escudero

PoeChiz

Presidential bet Grace Poe with her running mate Sen. Chiz Escudero (Photo courtesy of Chiz Escudero Facebook)

Nakuha na nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ang basbas ng Nationalist People’s Coalition (NPC) matapos ihayag ng partido ang pagsuporta sa kandidatura ng dalawa ngayong araw.

Si Poe na kumakandidato bilang pangulo at running mate naman si Escudero ay pormal ng inendorso ng NPC bilang kanilang pambato sa darating na halalan sa Mayo.

Ang NPC ang ikalawa sa pinakamalaking partido politikal sa bansa.

Nagpasalamat naman sina Poe at Escudero sa pagpili sa kanilang ng nasabing partido.

Sa kabila nito nilinaw ng dalawa na hindi sila manunumpa sa ilalim ng NPC bilang miyembro.-DCR

Advertisements