Alunan at Osmeña kapwa nagsabing hindi na dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos

 

45

Former Interior Sec. Rafael Alunan (left) and Sen. Serge Osmeña (right) Photo screenshot from Bilang Pilipino 2016 video  insert photo of former Pres. Ferdinand Marcos courtesy of Reuters from projectkino.wordpress.com

Nawalan na ng karapatan si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos na mailibing sa Libingan ng mga Bayani. 

Ito ang sinabi ni dating Interior secretary at ngayon ay senatorial candidate Rafael Alunan sa isang interview makaraang matanong kung sa kanyang tingin ay dapat pa bang ilibing sa naturang lugar ang yumaong pangulo.

“Marcos was dishonorably discharged by the Filipino people and I think he lost his right to be buried in the Libingan ng mga Bayani,” pahayag pa ni Alunan.

Maging ang isa pang senatoriable ay nagpahayag din ng pagtutol na mailibing sa nasabing lugar si Marcos.

Ikinumpara ni Sen. Serge Osmeña ang sitwasyon ni Marcos sa dating lider ng Germany noong World War II na si Adolf Hitler.

“I think that’s a collective decision of Filipino people but to me it is like saying should Hitler be buried at the Libingan ng mga Bayani of Germany, no. No because there is a saying and this is very important and this something I hope Filipinos will learn ‘judge talent at its highest, judge character at its lowest’,” paliwanag pa ng senador.

Si Osmeña ay kabilang sa mga ipinakulong ni Marcos nang ideklara nito ang batas militar. Nakatakas ang senador sa kanyang kulungan noong 1977 kasama si  Eugenio Lopez Jr. na siyang nagtayo ng ABSCBN. 

Kabilang sina Alunan at Osmeña sa ilang senatorial candidate na tinanong ng TV5 tungkol sa usapin.

Muling umuugong ang isyu matapos idaos kahapon ang re-internment ng mga labi ni dating Pangulong Elpidio Quirino sa Libingan ng mga Bayani.

Inilipat ang mga labi ni Quirino mula s Manila South Cemetety.

Si Quirino ang ikatlo sa mga naging pangulo ng bansa na inilibing sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan ang mga labi ni Marcos ay nananatili pa rin sa isang transparent glass sa musoleo at museo mga pamilya Marcos sa Batac City, Ilocos Norte.-DCR

Advertisements