Duterte-Roxas tabla rin: Binay at Poe parehong nanguna sa pinakahuling Pulse Asia survey

23

From L to R:  Mar Roxas, Rodrigo Duterte, Jejomar Binay and Grace Poe (Image courtesy of topnews1948.wordpress.com)

Statistically tie! 

Ito ang resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey para kina Vice President Jejomar Binay at Sen. Grace Poe na kapwa tumatakbo bilang pangulo para sa halalan 2016.

Ang survey ay ginawa noong Pebrero 15-20.

Si Poe ay nakakuha ng 26% sa naturang survey habang mayroon namang 25% si Binay.

Tabla rin sa survey sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Liberal Party presidential bet Mar na kapwa mayroong 21%.

Si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay mayroong 3%.

RESULTA BASE SA LUGAR

Sa resulta ng survey malaki ang nakuha paborableng resulta ni Poe sa Luzon na umabot sa 33% subalit mas mababa ito ng 6% kaysa sa nakuha nya noong Enero.

Si Roxas naman ay nakakuha ng malaking porsyento sa Visayas kung saan pumalo ito sa 35% o higit na mataas ng 3% kaysa sa nakuha nya dito noong Enero.

Karamihan naman sa mga taga Mindanao ay pumabor kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte kung saan siya nakakuha ng 45% subalit mas mababa ito ng 3% kumpara sa nakuha nya sa naturang lugar noong Enero.

Karamihan naman sa mga taga Metro Manila ay mas pinili si Binay kung saan nakapagtala ito ng 33% na mas mataas ng isang puntos kumpara sa nakuha nya rito noong Enero.

 

 

Survey.jpg

RESULTA BASE SA SOCIAL CLASS

Pagdating naman sa kalagayang panlipunan ay iba’t iba rin ang nakuha ng mga kandidato.

Lumalabas na sa class ABC ay kapwa nakakuha ng 25% sina Roxas at Poe.

Ang nakuha ni Roxas ay mas mataas ng 5% sa naturang social class kumpara noong Enero habang hindi naman nagbago ang kay Poe.

Umabot naman sa 14% ang nakuha ni Binay sa class ABC habang si Duterte ay nakakuha ng 24%.

Sa class D ay mayroong 25% sina Poe at Binay. 

Si Duterte naman ay nakakuha ng 22% habang 21% kay Roxas.

Sa class E si Binay ay nakapagtala ng pinakamataas kung saa may 31% na sinundan ni Poe na may 28%.

Halos tabla naman si Duterte at Roxas na may 18% at 19% ayon sa pagkakasunod sunod.

Kabilang sa mga kaganapan ng idaos ay survey ay ang pagsisimula ng kampanya ng mga kandidato para sa national position noong February 9.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa Supreme Court ang disqualification cases laban kay Poe kung saan kinikwestyon ang citizenship at residency nito.

Ang kasong diskwalipikasyon naman laban kay Duterte ay una ng nabasura sa Commission on Elections.-DCR

Advertisements