Libreng sakay sa MRT at LRT-2 para kay ‘Juana’ bukas, kasado na

PCW.png

Image courtesy of PCW

Kasado na ang libreng sakay para sa mga kababaihan bukas sa Light Rail Transit -2 (LRT-2) at Metro Rail Transit (MRT). 

Ang hakbang ay kasabay ng pagdiriwang sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan (International Women’s Day) bukas Marso 8.

Ang proyekto ay ginawa sa pakikipagtulungan ng Philippine Commission on Women at Department of Transportation and Communication.

Hahatiin sa dalawang batch ang oras ng libreng sakay para sa mga babae.

Sa umaga magkakaroon ng libreng sakay sa MRT at LRT-2 mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM.

Ang pangalawang batch ng libreng sakay ay gagawin naman mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.

Ang MRT ay tumatakbo mula Quezon Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City habang ang LRT-2 ay bumibyahe mula Santon Station sa Pasig City hanggang Recto Station sa Maynila.-DCR

 

Advertisements