SC inutusan ang COMELEC na magbigay ng resibo sa mga botante

89

BEIs and poll watchers at Cubao Elementary School during the 2013 Midterm Elections in Manila (The Manila  Journo file photo)

 

Ipinag-utos ng Korte Suprema sa Commission on Elections ang pagbibigay ng resibo sa mga botante sa gaganaping May 2016 Local and National Elections.

Sa botong 14-0 ay pinaboran ng mga mahistrado ng SC ang inihaing petition for mandamus ni dating Sen. Richard Gordon. 

Iginiit ni Gordon sa kanyang petisyon ang pagtupad ng komisyon sa itinatadhana ng RA 9369 0 ang Automated Election Law.

Dito isinasaad na isa sa mga minimum requirement ng automated election ay ang pag-i isyu ng Voter Verification Paper Audit Trail. 

Una ng tinutulan ng COMELEC ang nasabing proposal dahil pwede umano itong maging sanhi ng talamak nang vote buying bukod pa sa gugugol lamang ito ng dagdag na oras sa panahon ng halalan.

“The Comelec is ordered to enable the vote verification feature of the vote counting machines, which prints the voter’s choices without prejudice to the issuance of guidelines to regulate the release and disposal of the issued receipts to ensure a clean, honest and orderly elections such as, but not limited to ensuring that after voter verification, receipts should be deposited in a separate ballot box and not taken out of the precinct,”  bahagi ng SC decision. 

Dahil sa bagong atas ng SC ay apektado ngayon ang paghahanda ng COMELEC para sa gaganaping halalan sa Mayo 09.

Sa press conference ngayong araw sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na kakailanganin na nila ngayong ipa-bidding ang rolyo ng mga resibong gagamitin sa eleksyon.

Bukod dito ay kakailanganin rin umano nilang isailalim mula sa pagsasanay ang mga guro at iba pang magsisilbi bilang board of election inspector (BEI) sa araw ng halalan.

Aniya, nasa kalahatian na sila ngayon ng training para sa mga BEI.

Bago ilabas ng SC ang desisyon ay una nang napagkasunduan ng mga COMELEC en banc na payagan ang hiling na paggamit sa on screen verification feature ng mga vote counting machine.-DCR

Advertisements