Fallorina bagong Air Force chief

fallorina.png

 

May bago ng commanding general ang Philippine Air Force (PAF). 

Napili ni Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong PAF commander si Lt. Gen. Edgar Fallorina.

Papalitan ni Fallorina ang magreretirong si PAF commander Lt. Gen. Jeffrey Delgado ngayong araw.

Si Fallorina ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983.

Bago italaga ni PNoy sa bagong pwesto ay hawak ni Fallorina ang pagiging deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kabilang sa mga pwestong hinawakan ni Fallorina ay ang mga sumusunod: Flight Commander/Instructor Pilot/Test Pilot, 205th Tactical Helicopter Wing; Group Commander, Tactical Operations Group Sanga-Sanga; Air Force Internal Auditor; Chief, Air Force Resource Management Office; Wing Commander, 520th Air Base Wing; Deputy Commander, 3rd Air Division; Commander, 1st Air Division; Chief of Air Staff; Vice Commander, Philippine Air Force. 

Si Delgado ay magdiriwang ng kaarawan sa Marso 20 kung saan siya ay 56 taong gulang na. Ang edad na itinatakda ng batas para sa pagreretiro ng mga kasapi ng AFP.

Sa kabila nito gagawin ni Delgado ang pagbaba sa pwesto nang mas maaga dahil sa election ban na ipapatupad ng Commission on Elections (COMELEC) na magsisimula ngayong araw.

Gagawin ang change of command sa Fernando Air Base in Lipa City, Batangas kung saan inaasahan na dadaluhan ito ni PNoy.

Kabilang sa mga pinagpilian ni PNoy para maging Air Force chief ay sina Maj. Gen. Salvador Melchor Mison, commander ng Air Education and Training Command; Maj. Gen. Galileo Kintanar Jr., Air Force Chief of Staff; at Maj. Gen. Raul del Rosario, commander First Air Division na nakabase sa Clark, Pampanga.-DCR

Advertisements