Dating Sen. Jovito Salonga pumanaw na

salonga2

THE NATION’S FISCALIZER:  Former Sen. Jovito Reyes Salonga (Photo from: senate.gov.ph

Pumanaw na si dating Sen. Jovito Reyes Salonga.

Ito ang malungkot na balitang nakuha ng Manila Journo ngayong hapon.

Si Salonga ay pumanaw sa edad na 95.

Ang dating senador ay ipinanganak noong June 22, 1920.

Siya ang ika-14 na pangulo ng Senado kung saan siya nanilbihan mula 1987 hanggang 1991.

Kabilang si Salonga sa mga mariing lumaban sa rehimeng Marcos noong ideklara ang martial law.

Sa panahon ng batas militar, isa si Salonga sa matatapang na nanindigan upang ipagtanggol ang mga bilanggong pulitikal na nang mga panahong iyon ay karaniwang biktima nang panggigipit at pang-aabuso ng gobyerno.

Matapos mapabagsak ang mga Marcos ay bumalik si Salonga sa bansa at nanilbihan sa administrasyong ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Dito ay pinamunuan niya ang Presidential Commission on Good Government na nag-imbestiga sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.

Kabilang din si Salonga sa mga bumoto para sa makasaysayang desisyon noong Senado na nagpabasura sa pananatili ng base militar ng US sa bansa.-DCR

Advertisements