EPALITIKO: LP candidate nakisakay sa National Breakfast Day ng McDonald’s

save the date

Nakisakay ang isang tumatakbong kandidato sa ilalim ng Liberal Party sa gagawing libreng paalmusal ng Mc Donald’s Philippines. 

Sa post sa social media ay nakita ang paabiso ng isang Ferdie Marco na tumatakbong konsehal sa Marikina City kung saan sinasabi nito na siya ang dahilan ng National Breakfast Day ng Mc Donald’s. 

Dahil sa pangyayari ay napilitan ang Mc Donald’s Philippines na maglabas ng pahayag.

Sa kanilang Twitter Page mariing pinabulaanan ng fast food chain giant na ang kanilang National Breakfast Day ay proyekto ng sinumang indibidwal.

“This is to inform the public that National Breakfast Day is a promotion solely organized by McDonald’s Philippines and is not sponsored by any other organization or individual,” pahayag pa ng Mc Donald’s. 

Sa pahayag ng tumatakbong konsehal, inililibre nya ang lahat sa Marso 14 ng almusal sa Mc Donald’s. 

“Dahil mahal ko kayo LIBRE ko kayo ng mc muffin sa mc donalds sa March 14, 2016 basta simula 6 am hanggang 7 am sagot ko mc muffins nyo sa lahat ng mcdo outlet sa buong Pilipinas… Sabihin nyo lang pangalan ko… ganyan ko kayo kamahal… save the date! Kita kits tayo para sa libre kong paalmusal… 6 to 7 am lang ha… agahan nyo mga ka fb!” pahayag pa ni Marco sa Facebook account nito na ngayon ay tila deactivated na.

Mananatiling bukas ang The Manila Journo sa pahayag ni Marco. Hanggang sa kasalukuyan kasi ay hindi mabatid kung ang Facebook account na nagpakalat ng impormasyon ay pinatatakbo nga ng nasabing kandidato.

Ang National Breakfast Day ng Mc Donald’s Philippines ay isang event na ginagawa nila bilang pasasalamat sa kanilang mga customer.

Sa naturang aktibidad ay magbibigay ng halos 315,000 McMuffin sandwiches ang Mc Donald’s na makukuha ng libre sa kanilang mga participating outlet sa buong bansa.DCR

Advertisements