Duterte at Poe tabla na sa No.1 spot sa bagong Pulse Asia survey

Tabla na sa unang pagkakataon sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe sa pinakabagong Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABSCBN.

Ang survey ay ginawa noon lamang Marso 8-13 kung saan mayroon itong 4,000 respondents sa buong kapuluan.

Si Poe ay nakakuha ng 26% habang mayroong namang 25% si Duterte kung kaya maituturing na statistically tie ang dalawa.

Ang survey ay ginawa matapos ang desisyon ng Supreme Court na nagpapahintulot kay Poe na kumandidato sa halalan sa Mayo. 

Ito ay matapos iakyat sa korte ang kaliwa’t kanang disqualification case laban sa senadora.

Nakakuha naman si Vice President Jejomar Binay ng 22% habang mayroong 20% si Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

LOL.jpg

Si Sen. Miriam Defensor Santiago naman ay mayroong 3%.

Sa National Capital Region ay tabla din sina Poe at Duterte na nakakuha ng 30% at 29%. 

Si Binay ay nakakuha sa NCR ng 23%.

Ang kalakhan ng Luzon ay may pumabor kay Poe kung saan nakakuha ito ng 34%. Si Duterte ay nakakuha rito ng 16%. Siya ay sinundan ni Binay na may 26% at Roxas na may 15%.

Nanguna naman si Roxas sa Visayas at siya ay nakakuha rito ng 36%. Sinundan siya ni Binay na may 21%, Poe na may 20% at Duterte 18%.

Ang Mindanao naman ay dinomina ni Duterte na mayroong 46%. Sinundan siya rito ni Roxas na mayroong 20%. Si Poe ay mayroong 15% at Binay 14%.-DCR

 

Advertisements