Gumawa ng komiks ni Mar si Duterte ang presidente

roxas comics

‘Si Duterte po ang presidente ko!’ 

Ito ang sinabi ng comics illustrator na si Karl Comendador matapos maging kontrobersyal ang komiks na kanyang ginawa para kay Liberal Party presidential candidate Mar Roxas.

Ayon kay Comendador si PDP-Laban bet Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang pambato sa darating na halalan. 

Nabatid na si Comendador ang kinomisyon ng mga tagasuporta ni Roxas na gumawa ng komiks na pinamagatang “Sa Gitna ng Unos”.

Laman ng naturang komiks ang mga kwento ng pakikipagsapalaran ni Roxas habang tinutupad ang kanyang tungkulin.

Umani ng batikos ang komiks partikular na ang mga parte kung saan ipinapakita ang pagliligtas at pagtulong di-umano ni Roxas noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 2013.

“Marami po akong naidrowing na komiks pampulitika noon at ngayon. Trabaho lang po, sana’y inyong maunawaan. Maraming salamat po. DUTERTE PO ANG PRESIDENTE KO!” 

“Kung mayroon man po akong nasaktan na mga tao o organisasyon dahil sa ginawa kong komiks pampulitika ay nais kong ulitin at malaman nyo na trabaho lamang po iyon. Sa simula pa lang ay open na ako sa kung sino ang gusto kong Pangulo ng ating bansa dahil ang ugat ko ay isang bisaya at ako ay kay Mayor Digong. Salamat po sa pang-unawa ninyo,”  pahayag pa ni Comendador. 

Bago ang paglabas ng komiks ni Roxas ay nabatid na ginawan na rin ni Comendador si Duterte ng komiks bilang tanda ng pagsuporta nya rito. 

Karl2

Kasabay nito ay nagpahayag naman ng pagkadismaya si Comendador sa mga tao partikular sa mga netizen na bumaboy sa kanyang drawing dahil sa kanilang galit kay Roxas.

“Hindi komo sinabi kong si Duterte ang presidente ko e binibigyan ko na kayo ng karapatang BABUYIN ANG DRAWING KO! Hindi tayo magkakasundo diyan!”

“Sa mga taong BUMABOY doon sa drawing ko ng cover ng Mar Roxas komiks, kung galit kayo dun sa tao UMUPA KAYO NG SARILI NYONG ARTIST na gagawa ng kababuyan nyo para sa isang tao! Kung hindi kayo naniniwala na may ginawang tama yung tao, gumawa kayo ng sarili ninyong komiks para iparamdam ang galit nyo sa tao HUWAG NYONG GAWING KASANGKAPAN ANG DRAWING KO SA PAMBABABOY NYO SA ISANG KANDIDATO! Hindi ko gugustuhing makasama sa iisang kuwarto ang mga taong tulad nyo, tiyak magkakagulo tayo!,” pahayag pa ni Comendador gamit ang kanyang Facebook. 

Advertisements