Bongbong proud sa panalo ng Azkals kontra North Korea

bongbong 1.jpg

(Photo from the Office of Senator Bongbong Marcos)

 

Nagagalak si Sen. Bongbong Marcos sa panalo ng Philippine Azkals kontra North Korea.

Pansamantalang kinalimutan ng senador ang nakakapagod na pangangampanya matapos itong manood sa isang qualifying match ng Azkals kasama ang kanyang dalawang anak. 

Tinalo ng football team ng bansa ang NoKor sa iskor na 3-2 sa ginanap na 2019 AFC Asian Cup UAE Qualifiers sa Rizal Memorial Stadium.

“The Azkals played with much heart and passion which Filipinos are known the world over. Win or lose, we will always be proud of the Azkals. But tonight was their night. I’m just glad to bear witness to this spectacular victory with my boys,” pahayag ng senador. 

Unang nakaiskor sa naturang match si Misagh Bahadoran matapos ang mabilis na pasa mula kay Javier Patiño.

Nabaon sa 2-1 ang puntos ng Pilipinas matapos dalawang ulit na maka-goal ang mga Koreano. 

Bongbong 3

Photo from the Office of Senator Bongbong Marcos

Hindi naman nagpatinag si Manny Ott at itinabla ang iskor. 

Sinelyuhan ng Azkals ang panalo halos anim na minuto ang natitira sa laban makaraang maka-goal ni Iain Ramsay.

bongbong 4.jpg

Photo courtesy of the Office of Sen. Bongbong Marcos

Sa pagtatapos naman ng match ay binati at binigyan ni Azkals team manager Dan Palami si Marcos ng isang No. 10 jersey kung saan nakalagay ang pangalan ng senador.-DCR

Advertisements