Jollibee itinangging suportado si Duterte

Jolly

Itinanggi ng Jollibee Foods Corporation na suportado nito ang kandidatura ng kahit sinong kandidato na tumatakbo para sa gaganaping halalan sa Mayo.

Ang pahayag ay inilabas ng Pinoy food chain giant matapos ang kumalat na impormasyon na sinusuportahan ng may-ari ng Jollibee na si Tony Tan Caktiong ang pagtakbo bilang pangulo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa pahayag ng Jollibee sinabi nitong sila ay isang “apolitical” na institusyon at walang pinapanigan sinuman sa mga tumatakbo sa halalan.

Sinabi rin ng pamunuan ng Jollibee na kaisa sila ng lahat para sa paghahangad ng isang malinins, payapa at tapat na halalan sa Mayo. 

“Jollibee and its founder and Chairman Tony Tak Caktiong are apolitical and as such, do not endorse any political candidate, organization or agenda.

Both the company and Mr. Tony Tan Caktiong are all for fair, clean and honest elections this coming May 2016.

Jollibee’s thrust as a company, then and now, is to continue spreading joy to the Filipino people thru our langhap-sarap offerings and joyful bonding moments.

Thank you.”  nilalaman ng buong pahayag ng Jollibee.

Bago nito ay isang opinion article mula sa Malaya Business Insight ang lumabas.

malaya

Sa artikulong isinulat ni Rey Arcilla na “Digong by a Landslide” ay sinabi nitong sinuportahan na ni Tony Tan Caktiong ang kandidatura ni Duterte.

“Another bad news for Digong’s opponents… Billionaire Tony Tan Caktiong, who is from Davao and is the owner of the now world famous fast food chain Jollibee, has just declared his support for the Davao Mayor!  With the millions of loyal Jollibee customers around the country, Tan Caktiong’s endorsement is certainly a tremendous boost to Hizzoner Duterte’s winning ways,” pahayag pa ni Arcilla. 

Sa naturang artikulo din ay pinaratangan ni Arcilla ang mainstream media nang hindi pagbibigay pansin sa mga campaign sortie ni Duterte na laging dinadagsa ng mga tao.

Ayon pa sa kolumnista, kapansin pansin sa mga campaign rally ni Duterte na hindi hakot ang mga taong dumadalo rito.

Paratang pa ni Arcilla, isa sa mga posibleng dahilan kung bakit hindi pinapansin ng malalaking kumpanya ang kampanya ni Duterte ay dahil kontrolado din ito ng malalaking negosyante na mas inuuna ang interes ng kanilang mga negosyo.-DCR

Advertisements