Binay-Duterte tabla| Grace Poe No.1 ulit sa bagong Pulse Asia survey

 

LOL.jpg

VP Jejomar Binay, Sen. Grace Poe and Mayor Rodrigo Duterte (Image courtesy of pinoytrending.altervista.org)

 

Nanatiling nangunguna si Sen. Grace Poe base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABSCBN. 

Ang survey ay inilabas ng Pulse Asia 38 araw bago ang halalan at may 4,000 respondents. Ginawa ito noon lamang Marso 15-20.

Nakakuha si Poe ng 28% sa survey habang statistically tied naman sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Vice Pres. Jejomar Binay.

Si Duterte ay nakakuha ng 24% habang mayroong 23% si Binay.

Sila ay sinundan ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas na may 19% habang nasa ikalimang pwesto si Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 2%.

Survey

Nasa lalawigan ng Laguna ngayong araw si Poe para sa kanyang kampanya.

Malugod na tinanggap ng senadora ang resulta ng survey. Sa kabila nito ay sinabi ni Poe na ang tunay na survey ay malalaman sa mismong araw ng halalan. 

Pagdating sa lugar, tabla halos sina Duterte at Poe sa National Capital Region.

Nakakuha si Duterte ng 30% sa Metro Manila habang may 31% naman dito si Poe.

Sa Luzon ay nanguna si Poe na mayroong 35% na sinundan ni Binay na mayroong 26%.

Pagdating sa Visayas ay nanguna naman si Roxas na mayroong 37% habang pare parehong 20% ang nakuha dito nina Binay, Duterte at Poe.

Sa Mindanao ay mas pinapaboran pa rin si Duterte na nakakuha ng 43% habang 21% lamang ang pumabor dito kay Poe.

Pagdating sa social class ay mas pinaboran ng clas ABC si Duterte na nakakuha ng 32% habang may 30% namang nakuha dito si Poe.

Sa class D ay mas marami naman ang pumabor kay Poe na mayroong 27% habang si Duterte ay nakakuha dito ng 25%.

Ang mga pinakamahihirap naman sa bansa ay mas pumabor pa rin kay Poe na mayroong 30% na sinundan ni Duterte na mayroong 20%.

“Both the recent survey results of SWS and Pulse Asia are indications that everyone is within striking distance. The race is still up for grabs,” pahayag pa ni dating Maribojoc, Bohol Mayor Leoncio Evaco na campaign manager ngayon ni Duterte.

Ang survey ay ginawa makaraang pinal na magdesisyon ang Korte Suprema pabor kay Poe at pinayagan itong makatakbo sa darating na halalan.-DCR

Advertisements