Edited umanong picture ni Roxas binira ng mga netizen

MAR1.JPG

Image courtesy of Mar Roxas Facebook Page 

Umaani ngayon ng batikos ang isang larawang inilabas ng kampo ni Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

Ayon sa mga netizen edited ang nasabing litrato na ipinost ng kampo ni Roxas sa official Facebook page nito.

Ang larawan ay sinasabing kinunan ng bumisita ang kampo nina Roxas at Rep. Leni Robredo sa Candon City sa Ilocos Sur noong Marso 21 ara mangampanya.

Ayon sa ilang netizens, tila sobrang dami ng tao sa larawan kung saan makikitang nagsasalita si Roxas.

Mar3.JPG Mar4.JPG

Hindi ito ang unang pagkakataon na binira ng mga netizen si Roxas ngayong panahon ng kampanya.

Hanggang sa ngayon ay mainit na isyu pa rin ang inilabas na komiks ng pambato ng administrasyon.

Sa nasabing komiks na pinamagatang “Sa Gitna ng Unos”  ay ipinakita ang kabayanihan umano ni Roxas noong panahon na manalasa ang bagyong Yolanda.

Ayon sa mga netizen at ilang kritiko ni Roxas, isang malaking kasinungalingan ang nilalaman ng nasabing komiks.

Hinggil naman sa bagong larawan na binabanatan ng mga netizen, nananatiling tikom ang bibig ng kampo ni Roxas kung edited nga ba ito o hindi.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umani na ng 1,900 comments, 3,752 shares at 4,100 likes ang kontrobersyal na larawan.-DCR

Advertisements