UP Faculty Center nasunog

Bumbero.jpg

UP Faculty Center under fire (Photo courtesy of UP student Chad Booc

Nasunog kaninang madaling araw ang University of the Philippines Faculty Center (FC) sa Diliman, Quezon City.

Ayon sa mga paunang impormasyon, pasado 1:00 ng madaling araw nang magsimulang masunog ang gusali.

Nagsimula umano ang apoy sa ikatlong palapag ng FC.

Bandang 1:40 ng madaling araw ng itinaas agad sa ikalimang alarma ang sunog. Umabot sa Task Force Alpha ang insidente. Bandang 4:40 na ng madaling araw ng ideklarang fire under control ng mga bumbero ang sunog.

chad1

Image courtesy of Chad Booc

Ayon sa Quezon City Fire Department, walang naitalang sugatan sa insidente. 

Dahil sa pangyayari ay walang pasok ngayong araw ang mga estudyante ng CAL. 

Hanggang ngayong umaga ay patuloy pa ring nasusunog ang gusali. 

Sa post sa Facebook ni UP vice president for public affairs Prospero De Vera ay nasusunog pa rin ang FC hanggang kaninang 8:20 ng umaga.

de vera

Screenshot from the Facebook of Prof. Prospero De Vera

Kilala bilang Bulwagang Rizal (Rizal Hall) ang gusali ay ginagamit ng mga propesor mula sa College of Social Science and Philosophy (CSSP) at College of Arts and Letters (CAL). 

Dahil sa sunog ay apektado ang higit kumulang na faculty staff mula sa dalawang kolehiyo.

Sa naturang gusali din matatagpuan ang ilang departamento sa ilalim ng dalawang kolehiyo.

Kasamang naabo ng gusali ang napakaraming theses, research paper, aklat at iba pang mahahalagang gamit ng mga propesor at mag-aaral ng UP. 

Ito na ang ikatlong sunog sa loob ng UP Diliman campus sa loob lamang ng 10 buwan.

YU.jpg

Image courtesy of Ronan Li

Chad

Screenshot from UP student Chad Booc Facebook

Artiaga

Screenshot from Facebook of CMC student Katrina Artiaga

Francesca.JPG

Screenshot from Facebook of CAL student Francesca Mitchel Catchel Ofilada

Dahil sa insidente ay maraming propesor at mag-aaral naman ang nagpahayag ng panlulumo. 

Noong nakaraang taon, buwan ng Hunyo ng ubusin ng apoy ang  College of Arts and Sciences Alumni Association (CASAA) Food Center na ilang metro lamang ang layo mula sa FC.

Hulyo rin noong nakaraang taon ng masunog naman ang Fonacier Hall o mas kilala bilang Alumni Center. -DCR

arao

Screenshot from UP Prof. Danilo Arao Facebook 

clarita

Screenshot from UP Prof. Clarita Carlos Facebook

joey.JPG

Screenshot from the Facebook of Prof. Joey Baquiran

Advertisements