Roxas pinaka ayaw ng mga botante na manalong kandidato bilang pangulo- SWS survey

roxas

Hindi gustong manalo bilang pangulo ng mga Pilipino si Liberal Party presidential bet Mar Roxas. 

Ito ang lumalabas sa pinakabagong survey mula sa Social Weather Station (SWS) at Bilang Pilipino 2016.

Ang survey ay ginawa noong Marso 30 o matapos ang ikalawang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections (COMELEC) at TV5.

Aabot sa 1,200 mobile users sa buong bansa ang orihinal na pinili upang mapasali sa survey. Sa bilang na ito tanging 733 lamang ang tumugon. Kabilang sa mga ito ang 201 respondents mula sa Metro Manila, 170 sa Balance Luzon, 193 sa Visayas at 169 sa Mindanao. 

Tinanong ng SWS at Bilang Pilipino 2016 ang mga respondent nang ganito “Whom among the candidates for PRESIDENT of the PHILIPPINES you DO NOT LIKE TO WIN the most? (CHOOSE ONE) [Sino sa mga kandidato sa PRESIDENTE ng PILIPINAS ang PINAKA-AYAW MONG MANALO? (PUMILI NG ISA)].”

Nakakuha si Roxas ng 27%. 

Sumunod naman kay Roxas na pinakaayaw ng mga respondent na manalong pangulo ay si Vice President Jejomar Binay na mayroong 24%.

Pangatlo naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 17%. Pang-apat si Sen. Miriam Defensor-Santiago habang kakaunti lamang ang nagsabi na pinakaayaw nilang manalong kandidato si Sen. Grace Poe na nakakuha lamang ng 5%.

Aabot din sa 17% ng mga tinanong ang nagsabing hindi nila alam kung sino ang hindi nila gustong manalong kandidato sa pagka-pangulo.

Bago ilabas ng SWS ang survey ay una nang umani ng batikos si Roxas dahil sa kontrobersyal na komiks na inilabas ng kampo nito.

Sa komiks na ipinagawa ng mga tagasuporta ni Roxas ay ipinapakita ang kabayanihan na ginawa umano nito noong panahong manalasa ang bagyong Yolanda sa bansa.

Matapos kumalat sa internet, agad na umano ng batikos lalo na sa mga netizen at kritiko sa pulitiko ni Roxas ang nasabing komiks.-DCR

Advertisements