Duterte-Marcos nanguna sa pangatlong MBC-DZRH national survey

Nanguna sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Bongbong Marcos sa ikatlong MBC-DZRH presidential and vice presidential pre-election survey na ginawa noong April 2.

Ang naturang survey ay mayroong 7,490 respondents at gumamit ng face to face interview na ginawa sa halos lahat ng lalawigan sa buong bansa. 

Sa presidential race ay nanguna si Duterte na mayroong 36%.

Pumangalawa sa kanya si Sen. Grace Poe  na nakakuha ng 28.2%.

Statistically tied naman sina  Vice Pres. Jejomar Binay na mayroong 15.3% at Liberal Party presidential bet Mar Roxas na nakakuha ng 15.2%.

Nasa panghuling pwesto naman si Sen. Miriam Defensor-Santiago na mayroong 3.5%.

Lumalabas naman na 1.8% sa mga respondent ang nananatiling undecided kung sino ang iboboto nilang pangulo.

Nanguna naman sa vice presidential race si Marcos na nakakuha ng 29.8%.

DZRH2.JPG

Pumangalawa sa kanya si Sen. Chiz Escudero na mayroong 22.6% habang pangatlo si Sen. Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 18.4%.

Pang-apat si Rep. Leni Robredo na may 17.8%, pang lima si Sen. Antonio Trillanes sa 5.5% habang nasa huling pwesto si Sen. Gringo Honasan na mayroong 4.3%.

Ginawa ang survey halos dalawang linggo matapos ang ikalawang presidential debate na inorganisa ng Commission on Elections na ginawa sa Cebu City.-DCR

Advertisements