Grace at Digong tabla sa The Standard presidential survey

Tabla sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Sen. Grace Poe sa bagong survey na kinomisyon ng pahayagang The Standard at ginawa ng Laylo Research Strategies.

Nilahukan ang survey ng 3,000 respondents na pawang mga rehistradong botante.  Ang survey ay ginawa mula Marso 26 hanggang Abril 1.

Nasakop ng survey ang 79 lalawigan, 270 munisipalidad, 40 highly urbanized cities kasama ang 17 syudad mula sa Metro Manila at katumbas ng 600 barangay sa buong bansa.

Statistically tied ang dalawang nangungunang kandidato sa presidential race kung saan si Duterte ay nakakuha ng 30% habang si Poe naman ay mayroong 27%.

Laylo

Image courtesy of The Standard 

Sunod naman sa kanila si Liberal Party presidential bet Mar Roxas sa pangatlong pwesto na mayroong 21%.

Nalaglag sa ikaapat na pwesto si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 18% at si Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 2%.

Lumalabas na anim na puntos ang iniangat ni Duterte mula sa dating The Standard survey na ginawa noong Pebrero 24 hanggang Marso 1 kung saan mayroon siyang 24%.

Si Poe naman ay nadagdagan lamang ng isangp puntos.

Nagtamo naman ng pinakamalaking bawas sa kanyang puntos si Binay kung saan limang puntos ang ibinaba nito habang nabawasan din ng isang puntos si Roxas.-DCR

Advertisements