Duterte-Marcos No.1 na sa bagong SWS survey

 

Duterte

PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte (Image from Rody Duterte FacebookRody Duterte Facebook

 

 

Umarangkada na sa unang pwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa bagong survey ng Social Weather Station (SWS). 

Base sa survey  para sa unang bahagi ng 2016 na ginawa noong Marso 30 hanggang Abril 2 si Duterte ay nakakuha na ng 27%.

Pumangalawa naman si Sen. Grace Poe na mayroong 23% kung saan statistically tied ito sa pwesto kasama si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 20%. 

Sumunod naman sa kanila ang pambato ng administrasyon na si dating Interior Sec. Mar Roxas na may 18% habang nakakuha naman ng 3% si Sen. Miriam Defensor-Santiago. 

Ang survey ay nilahukan ng 1,500 respondents at ginawa sa pamamagitan ng face to face interview.

Aabot naman sa 92% ng naturang bilang o 1,377 ay pawang mga rehistradong botante. 

Sa pagka bise presidente naman ay nanguna si Sen. Bongbong Marcos matapos makakuha ng 26%.

Pumangalawa naman sa kanya si Sen. Chiz Escudero na mayroong 21%.

Nasa pangatlong pwesto si Liberal Party bet Cong. Leni Robredo na mayroong 19%.

Sumunod si Sen. Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 13% habang panglima si Sen. Gringo Honasan na may 5% kaparehas ni Sen. Antonio Trillanes IV.-DCR

Advertisements