Duterte nangunguna na rin sa bagong Pulse Asia survey

Duterte

PDP-Laban presidential bet Rodrigo Duterte   (Image courtesy of CinEmotion Digital Films)

Tuluyang nang umarangkada si Davao City Mayor at PDP-Laban presidential candidate Rodrigo Duterte matapos manguna sa bagong survey ng Pulse Asia na kinomisyon ng ABSCBN.

Ginawa ang survey noong Marso 29 hanggang Abril 3 kung saan aabot sa 4,000 respondents na pawang mga rehistradong botante ang nakilahok. 

Base sa survey ay nakakuha na si Duterte ng 30% habang pumangalawa na lamang ang dating frontrunner na si Sen. Grace Poe na mayroong 25%.

Statistically tied naman sa pangatlong pwesto sina Vice President Jejomar Binay na may 20% at si Liberal Party bet Mar Roxas na nakakuha ng 19%.

Pagdating sa lugar nakakuha si Duterte sa Metro Manila ng 32% habang 30% naman ang nakuna ni Poe. 

Mas pumabor naman kay Poe ang kabuuan ng Luzon kung saan nakakuha siya rito ng 31%.

Sa Visayas ay nanguna si Roxas matapos makakuha ng 34% habang higit kalahating porsyento o 55% naman ang nakuha ni Duterte sa Mindanao.

Nakuha rin ni Duterte ang pangunguna pagdating sa social class matapos siyang manguna sa class ABC at D.

Kahapon una ng lumabas ang survey mula naman sa Social Weather Station kung saan nanguna rin si Duterte matapos makakuha ng 27%.-DCR

 

Advertisements