US binatikos na rin si Duterte kasunod ng ‘rape remarks’ nito

Duterte Goldberg.jpg

Mayor Rodrigo Duterte (photo from Globalbalita.comGlobalbalita.com)  Insert Photo: US Ambassador Philip Goldberg (Photo screenshot from Youtube) 

 

Sumama na rin sa mga bumabatikos kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Estados Unidos matapos sumambulat sa midya ang kontrobersyal na pahayag ng alkalde tungkol sa isang Australian missionary hostage victim.

Binasag na ng US ang pananahimik nito matapos batikusin ni US Ambassador to Manila Philip Goldberg ang alkalde sa isang panayam dito ng CNN Philippines.

Ayon kay Goldberg, hindi ginagawang katatawanan ang isang seryoyong isyu tulad ng rape at murder.

“Any statements by anyone, anywhere that either degrade women or trivialize issues so serious as rape or murder, are not ones that we condone,” pahayag pa ni Goldberg.

Sinabi pa ni Goldberg na suportado niya ang naunang pahayag ni Australian Ambassador Amanda Gorely sa kanyang Twitter account kung saan tahasan nitong binira ang naging pahayag ni Duterte.

“Rape and murder should never be joked about or trivialized. Violence against women and girls is unacceptable anytime, anywhere,” pahayag ni Gorely.

Ang isyu ay nag-ugat sa pahayag a ginawa ni Duterte sa kasagsagan ng kanyang campaign rally sa Amoranto Stadium, Quezon City noong Abril 12.

“Ang napasok sa isip ko, ni-rape nila, pinagpilahan nila lahat don. Nagalit ako kasi ni-rape? Oo. Isa rin ‘yun. Pero napakaganda. Dapat, ang mayor muna ang mauna, sayang,”  maririnig na pahayag ni Duterte sa kumalat na video.

Sa naturang okasyon ay ikinikwento ni Duterte ang naging papel niya pagpaslang sa ilang bilanggong nang-hostage sa isang Australian missionary sa loob ng kulungan na kalaunan ay pare-parehong namatay noong 1989. -DCR

 

 

 
Advertisements

9 thoughts on “US binatikos na rin si Duterte kasunod ng ‘rape remarks’ nito

  1. Mababaw! Merong ibig sabihin from that starting statement ni mayor na mas importante kesa sa point of view nyu about rape joke! Pambihira kase mahilig lang kayo sa matatamis na salita!

    Like

  2. Emerald Reciproco on said:

    Alam nyo ba na hindi nmn masamang magbiro aminin ntn sa hindi may mga taong kakilala ntn na ganun jokes din bniro nya lng mga tao dun so hndi nmn nirape anu problema dun ? Dba wag ntn husgahan agad atleast c duterte totoo hndi agam agam ang salita !!! And nkakapikon kase nakikita na ntn ung taong magpapaayos ng bansa bakit ipupush nyo ang isang biro na biro nga lng kase paratangan nyo sya kng gnawa nya !!! At ang tagal ng panahon nyan lahat ng tao nagbabago natututo!!! Wag ntn gawin big issue maingat nga sya sa mga babae sa davao inuuna nya kapakanan ng kababaehan!!! Bakit ba ang gagaling nyong mang dikta!!! At ang akin lng ahh no body’s perfect!!! Naniniwala aq ky digong na may puso syang mabuti at malasakit sa bansang to !! Kng tutuusin ok na sya sa buhay nya hndi nya nmn gnusto tumakbo pinush lng sya ng mga taong naniniwala na sya na ung pagasa ng lahat kaya kng anu man issue nyo about rape bat d nyo pagtuunan ung mga case ng rape na hndi nmn nasosolve ng mga taong datihan ng nakaupo na pinalaganap ang krimen at droga sa bansang to!!! Sad to say talaga na ang titibay nyo pumaratang sa taong nasa taas na bnababa nyo pa dahil anu? At aq bilang babae kng aq man ung Australia alam q nmn ung joke sa totoo dba at hndi nmn bobo si duterte para gawin nya un !!! Naiintndhan nyo ba ? At kng ako bilang isang babae naniniwala pa dn aq na iingatan nya mga kababaehan !!! Kaya girl isipin nyo ung sinsabi nyo! Kase kng may marape sa pamilya nyo na babae anu kala nyo masusulusyunan ng mga datihang ng nakaupo yan hndi sila tulad ni duterte !!! Ok kaya stop na sa mga batikos nyo magcomplain kau kng nakita nyo na nangrape sya or nangbastos ng iba !!!!

    Like

  3. du 30 pa rin

    Like

  4. WORDPRESS AY FREE WEBSITE NA LAHAT PWEDI MAG SULAT NG INFO MAGKANO ANG ENVELOPE DITO?

    Like

    • Magandang araw Ms. Arar Romorosa,

      Ang The Manila Journo ay isang independent news blog. Isa po itong non profit news blog na walang tinatanggap na anumang tulong pinansyal sa kahit sinong indibidwal o grupo.

      Makakaaasa po kayo sa patas naming pagbabalita at pagbibigay ng impormasyong sigurado.

      Like

  5. WORDPRESS AY FREE WEBSITE NA LAHAT PWEDI MAG SULAT NG INFO MAGKANO ANG ENVELOPE SA PAG GAWA NG SITE NA ITO ?

    Like

  6. well, ngayon palang ipinapahiya na nya tayo sa International communities, wait and see kapag Pangulo na iyan malang mas malala pa…hehehe

    Like

  7. HUWAG IBOTO SI DUTERTE PARA ANG PILIPINAS AY “SAFE”

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s